Daan-daang unsealed documents sa isa mga kaso ng kilalang sex-trafficker na si Jeffrey Epstein ang isinapubliko kamakailan lang.
Ang naturang dokumento ay mula sa isang isinampang kaso ni Virginia Roberts Giuffre laban kay Epstein.
Si Giuffre ay isa sa mga biktima ng sex trafficking ng naturang abuser.
Ang dokumento ay naglalaman ng mga excerpts of desposition mula kina Giuffre at Ghislaine Maxwell – dating kasintahan ni Epstein na sangkot sa pang-aabuso.
Inaasahang magbubunyag ang dokumento ng halos 200 na sangkot sa naturang kaso kabilang na ang mga kilala at malalaking pangalan sa mundo na pawang mga kaibigan ni Epstein.
Ngunit ayon sa court filings, ilan sa mga pangalan ay mananatiling redacted dahil sa mga sensitibong impormasyon hinggil sa sex trafficking.
Matatandaang si Jeffrey Epstein ay kilalang milyonaryo sa Estados Unidos na kilala ng mga malalaking celebrities, politicians, at ng mga bilyonaryo.
Siya ay hinuli ng mga otoridad noong 2005 sa kasong panggagahasa sa isang katorse anyos na babae.
Dose-dosenang menor de edad naman na biktima ang nagsiwalat ng sexual abuse na ginawa sa kanila ni Epstein.
Dahil diyan, pinahintulutan ng prosecutors si Epstein na mag plead ng guilty noong 2008 sa naturang kaso.
At noong 2019 naman, ay kinasuhan ng New York federal prosecutor ang akusado sa kasong sex trafficking. Subalit namatay ito matapos magpatiwakal sa bilangguan habang hinihintay ang paglilitis.
Samantala, ang dating kasintahan naman ni Epstein na si Gheslaine Maxwell ay hinatulan ng 20 taong pagkakakulong noong 2021 hinggil sa kanyang pag-rerecruit sa mga biktimang menor de edad.