CENTRAL MINDANAO –Ginanap mismo sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa syudad ng Cotabato ang turnover of responsibility, functions and documents ng dating Regional Legislative Assembly tungo sa bagong Bangsamoro Parliament Speaker ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nanguna sa pagsasalin ng responsibilidad si Outgoing RLA Speaker Datu Ronnie Quesada Sinsuat.
Pormal na tinanggap ang mga dokumento ni Bangsamoro Parliament Speaker Atty. Mohammad Ali Pangalian Balindong.
Ang programa ay sinaksihan ng mga empleyado ng RLA at ilang myembro ng Bangsamoro Transition Authority ng BARMM.
Sinabi ni Sinsuat na kampante siya dahil maayos na naisalin ang lahat na mga dokumento kay Balindong.
Sa loob ng siyam na taon ay nagsilbing tagapagsalita ng RLA si Sinsuat sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Nagpasalamat naman si BARMM Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim sa mga isinalin na mga dokumento na mahalaga sa kanila sa pagpapatakbo ng bagong gobyerno.