-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nakakaranas na ng mataas na demand ang mga hotel sa bayan ng Kalibo para sa Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2025, kung saan karamihan sa mga may hotel reservation ay mga domestic tourists.

Ayon kay Michie Gabales, front desk officer ng isang hotel sa Kalibo na halos 100 porsyentong fully booked na ang kanilang hotel para sa Ati-Atihan Festival weekend na may 34 na kwarto.

Kadalasan umanong mataas ang demand sa mga hotel na malapit sa festival zone area sa Kalibo Pastrana Park katulad sa lokasyon ng kanilang hotel.

Sinabi pa ni Gabales na tumaas na rin ang kanilang hotel rate dahil sa batas ng supply and demand.

Dinagdagan umano nila ang amenities sa inaalok na Ati-Atihan package.

Karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang tatlong gabi ang pananatili ng mga bisita sa kanilang hotel sa pagsisimula ng mga highlights ng festival hanggang sa January 19 sa mismong araw ng selebrasyon.