-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nakahanda na ang ilang carton na donasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ang inihayag ni Mrs. Pathy Estimo, isang overseas Filipino worker at pinuno ng Filipino Women Association in Jerusalem.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag, sinabi ni Estimo na nagbabayanihan silang mga OFWs sa nasabing bansa para makalikom ng mga damit, gamit sa bahay, pera at iba pang pwede nilang maitulong sa mga Taal evacuees.

Sinabi niya na sa ngayon ay nakahanda na ang mga nalikom nilang donasyon para ipadala nila dito sa bansa.