ROXAS CITY – Nagtalaga ng mga drive-thru coronavirus disease (COVID-19) screening locations ang South Korean authorities sa mga pampublikong lugar sa naturang bansa.
Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Michaelson Zeus Cariño, tubong Candon City, Ilocos Sur at isang Overseas Filipino Worker sa Daegu City, South Korea sa kaniyang ulat sa Bombo Radyo Roxas.
Ayon kay Cariño, paraan ito ng mga otoridad upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga waiting areas ng mga ospital.
Aniya hindi na umano kailangang pumunta ng ospital ng mga tao dahil may mga drive-thru kung saan pinatitigil ang mga sasakyan at on-the-spot silang isinasailalim sa screening.
Mabilis rin umano ang pag-akyat ng kaso ng naturang sakit sa bansa dahil sa maigting na screening ng mga otoridad sa mga pampublikong lugar upang matukoy ang mga taong infected ng naturang sakit.