Makakatanggap na ng fixed salary at performance-based incentive ang lahat ng mga driver at kondoktor ng bus sa bansa na simula sa Marso 9.
Nagpaalala naman ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa mga kompanya ng bus na hindi susunod sa direktiba na dapat sa buwang ito ay masimulan na ang bagong compensation scheme.
Maaaring namang tanggalin umano ang prangkisa ng bus company na hindi susunod sa kautusan.
Batay sa inilatag na bagong guidelines ng NPWC, kailangang sundin ng mga bus operators ang pay package para sa kanilang driver at kondoktor na nakabase naman sa kinikita ng kompanya, ridership, safety record, route condition at iba aspeto.
Hindi rin daw dapat bababa sa minimum pay ang pasweldo sa mga driver at kondoktor base naman sa rehiyong pinagpapasadahan.
Magkakaroon na rin ng overtime pay, night differential, service incentive leave, 13 month pay at iba pang benepisyo ang mga driver at kondukto ng bus sa bansa.