Handa ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na tulungan ang mga driver at operator na masasagasaan ng PUV modernization program ng pamahalaan.
Ayon sa TESDA mayroon silang nakalaang programa na ‘Tsuper Iskolar’ program na magbibigay ng tulong sa mga driver at operator na bigong makapag-consolidate ng kanilang unit.
Sa ilalim nito bibigyan sila ng libreng Technical Vocation Skills Training Assessment at Certification para sa bagong oportunidad kung saan tatanggap pa sila ng 350 pesos kada araw na training allowance.
Sinabi ng Tesda na makipag-ugnayan lang sa kanilang tanggapan ang mga driver at operator para maka-avail sa naturang programa at samantalahin ang pagkakataon para magkaroon ng bagong kalaaman at kakayahan.