Ipinag-utos ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatoty Board (LTFRB-7) ang pagsailalim sa drug test sa lahat ng drayber ng Ceres bus na may biyaheng Northern Cebu.
Ito’y matapos ang serye ng aksidente kung saan dalawa na kataong nagbibisikleta ang binawian ng buhay na kinasasangkutan ng nasabing bus.
Inihayag pa ni LTFRB-7 director Eduardo Montealto, Jr. na agad pang sibakin sa trabaho ang mga magpositibo sa iligal na druga.
Samantala ang mga makapasa naman ay isasailalim pa rin sa defensive driving training.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, 4 na Ceres bus ang sangkot sa mga aksidente.
Maliban pa, hinimok ngayon ni LTO-7 director Victor Caindec ang mga local government unit na bumuo ng ligtas at magandang patakaran sa mga kalsada.
Dagdag pa ni Caindec na hindi dinisenyo ang bisikleta para makipagsabayan sa mga de-makina sa kalsada habang ang bus o malalaking sasakyan naman ay hindi dinisenyo para sa makikitid na daan ngunit hindi ito nasunod.