-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Problema ngayon ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga drug personalities na dating naarestado dahil sa pagbabalik nila sa iligal na gawain.
Ayon kay Police Major Nicodemus Olarte III, Action Officer ng Drug Enforcement Unit ng BCPO, may mga binabantayan silang mga hinihinalang drug personalities dahil sa umano’y pagbabalik nila sa pagbebenta o paggamit ng iligal na droga.
Ipinaliwanag niya na naaresto na ang mga nasabing personalidad nang dalawa o tatlong beses pa nga.
Idinagdag ni Olarte na mahihigpitan ang monitoring sa mga dati nang naaresto dahil sa iligal sa droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pulisya sa mga opisiyal ng mga barangay.