-- Advertisements --

Agad na naaresto sa loob lamang ng isang araw ang walong drug suspek na tumakas sa pasilidad ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Director Wilkins Villanueva, na ang mga tumakas na mga suspek ay kanilang nahuli noong anti-drug operations na isinagawa ng PDEA-National Capital Region noong Oktubre 17.

Nitong Oktubre 20 ay nakatakas ang mga ito matapos takbuhan ang nagbabantay na mga security guards sa entrance gate ng ahensiya.

Nagkaroon lamang ng problema sa pasilidad na kanilang iniimbestigahan ngayon.

Dalawa sa mga suspek ang naaaresto sa bisinidad na nasasakupan ng PDEA isolation facility habang ang tatlong iba ay sa barangay Pinyahan at tatlo naman ang naaresto sa Marikina City.