-- Advertisements --

Pinayuhan ni New York Governor Andrew Cuomo na sumailalim sa coronavirus testing ang mga dumalo sa kilos-protesta sa pagkasawi ng black American na si George Floyd.

Ayon sa gobernador na bukas ang kanilang testing facilities para sa lahat na dumalo ng protesta.

Tinataya kasi nito na nasa 30,000 katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng New York.

Nakatakda kasing buksan ni Cuomo ang New York sa darating na Lunes para makabangon sila sa kanilang ekonomiya.