-- Advertisements --
Fresh Island Music Fest
Fresh island music fest/ website

Inilikas ang ilang libong katao na nanood sa isang music festival sa Croatia matapos ang pagsiklab ng forest fire malapit sa lugar.

Agad na dinala sa ligtas na lugar ang mga nasa Zrce beach sa Isla ng Pag kung saan ginanap ang Fresh Island hip-hop festival.

Ayon sa organizers napilitan silang ipahinto ang concerts base na rin sa rekomendasyon ng mga kapulisan para maging ligtas ang mga manonood.

Ilan sa mga nakatakdang tumugtog ang rapper na si Tyga, British rapper na Not3s.

Nakatakda sanang magtapos ang tatlong araw na concert sa Miyerkules.