-- Advertisements --
Iginiit ng Malakanyang na walang gagawin si Pang. Ferdinand Marcos Jr. matuloy man o hindi ang impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte.
Reaksyon ito ng Palasyo sa akusasyon ng kampo ni Duterte na sinasadya ng administrasyon na ma-impeach ang bise presidente para hindi makatakbo sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Castro na sa umpisa pa lang ay malinaw ang pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kontra sya sa impeachment.
Nangyari anya ang pag-impeach ng Kamara kay VP Sara dahil sa separation of powers.
Sabi ni Castro, anuman ang pagtingin dito ng mga Duterte ay opinyon na nila yon.
Dagdag ng opisyal, gustong bumalik sa kapangyarihan ng mga Duterte kaya sinisiraan si Pang. Marcos at kanyang administrasyon.