BUTUAN CITY – Nagsagawa ng candle-lighting sa Guingona Park sa Butuan City at iba pang mga lugar sa buong Caraga Region kagabi ang mga Duterte supporters bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dito sa Butuan City, lilbu-libong katao ang nagka-isa sa kanilang mga panawagang ibalik sa bansa ang dating pangulo at pababain sa pwesto si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sinisigaw ng nagtitipong mga raliyesta ang salitang ‘Duterte’ na sinabayan pa ng busina ng mga sasakyan kungsaan kahit ang mga nagko-convoy mula sa iba’t ibang lugar para lang dumalo sa rali, ay pinabubusina din ang kanilang mga sasakyan na may tunog na ‘Duterte’.
Ayon sa mga speakers, walang nagawang kasalanan ang dating pangulo dahil pinoprotektahan lamang nito ang sambayanang Pilipino kung kaya’t hindi talamak ang druga noon kumpara sa ngayon.