Pinapayagang mag-operate ang mga unconsolidated jeepney at UV Express units sa mahigit 2,500 ruta na may mababang bilang ng mga nag-consolidate ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay upang matiyak ang suplay ng pampublikong transportasyon sa mga rura na may mababang bilang ng mga awtorisadong yunit.
Batay sa Board Resolution No. 53 Series of 2024 ng LTFRB, hindi na kailangang mag-file ng consolidation ang mga unconsolidated public utility vehicles ngunit subject pa rin ito sa pag-apruba ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) o ng Route Rationalization Plan (RRP).
Ito ay kondisyon na ang kanilang mga yunit ay kasalukuyang nakarehistro sa LTFRB at may wastong personal na coverage ng insurance sa aksidente ng pasahero.
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga ruta na may mababang bilang ng mga nag-consolidate kung saan ang mga unconsolidated jeepney at UV Express units ay pinapayagang bumiyahe:
Central Office (105 ruta), Metro Manila (139), Cordillera (669)0 Ilocos – 161, Cagayan – 156, Gitnang Luzon – 84, Calabarzon – 216, Mimaropa – 175. Bicol – 382, Kanlurang Visayas – 259, Gitnang Visayas- 64, Silangang Visayas – 124, Zamboanga – 79, Hilagang Mindanao – 25, Davao – 34, Soccsksargen – 0 at Caraga – 78
Sa isang pahayag, iniugnay ng transport group na PISTON ang desisyon ng LTFRB sa sama-samang pagkilos ng mga transport workers, na tinawag it tagumpay.
Sa datos ng DOTr, nasa kabuuang 36,217 public utility vehicles (PUVs) at 2,445 na ruta ang nanatiling unconsolidated matapos ang deadline noong Abril 30 sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno.