BUTUAN CITY – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Caraga na wala ng makapagpigil pa sa kanilang implementasyon sa jeepney modernization program sa lungsod ng Butuan.
Ito’y dahil ngayong araw na gagawin ang Modern PUV caravan kung sasan ibibiyahe ang mga modern e-vehicles mula sa iba’t ibang mga manufacturers para sa initial launching ng limang mga solar e-jeepneys na may rutang Brgy Banza na na-assign sa Route 13.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni LTFRB-Caraga regional director Maria Kristina Cassion na layunin nitong makita at ma-inform ang mga tao sa bagong mode ng pag-commute na may gagawin pang demonstrasyon sa paggamit ng Automated Circulation System (ACS) card na syang ita-tap-in imbes na magbayad gamit ang pera .
Magsisimula ngayong umaga ang PUV Modernazation Caravan sa pamamagitan ng motorcade at susundan ng lectures upang maintindihan ng mga operators at sa mga dadalo nito ang nasabing programa.
Dagdag pa ni Cassion, kararating pa lang ng mga modern solar e-jeepneys kung saan buena-mano ang Butuan City sa buong Mindanao na gagamit nito na umano’y ligtas at komportable.