-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon na babaan pa ang edad ng mga batang makalabas ng bahay, gayundin ang mga senior citizens hanggang edad 65.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maari nang makapamasyal ang mga batang edad 10 at mga lolo at lolang 65 taong gulang na nasa lugar ng Modified General Community Quarantine simula sa February 1, 2021.

Duterte Davao meeting IATF Go
President Duterte with IAFT members meeting in Davao City (Photo from Sen. Bong Go)

“Any person below 10 years old and those who are over 65 years of age shall be required to remain in their residence at all times,” ani Sec. Roque.

Inaatasan ng IATF ang local government units (LGUs) na sumunod sa bagong kautusan.

“Local government units, on the other hand, are enjoined to adopt the same relaxation of age-restrictions for areas under General Community Quarantine,” dagdag ni Sec. Roque.

Magugunitang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga bata at matatanda na makalabas ng kani-kanilang bahay dahil itinuturing silang pinaka-vulnerable sa COVID-19.