Hindi magpapadaig at hindi umano natatakot ang China sa banta ng US na magpatupad ng panibagong taripa sa $300 billion na mga Chinese imports.
Sinabi ni Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying, asahan na ang pagganti ng China sa US kapag natuloy ang September 1 effectivity ng bagong taripa.
Nangangamba naman ang ilang mga ekonomista sa Amerika na maapektuhan ang “goodwill” measures na ginawa ng China noong nakaraang buwan gaya ng pagbili ng tatlong milyong tonelada ng soybeans, 50,000 tonelada ng cotton, pork, corn at sorghum mula sa US.
Magiging mataas din ang presyo ng mga electronic products, maging ang sikat na Iphone, desktop computers, video game consoles, TV at digital camera ay kabilang sa tariff list.
Maapekutan din ang 42% na mga damit na ibinebenta sa US at ang 70% na mga sapatos ay masasagasaan sa nasabing pagpatupad ng taripa.
Magugunitang kaya nagpatupad ng bagong pagpapataw ng taripa si Trump sa China ay dahil walang ipinakitang interest ang mga ito ng magtungo sa Beijing ang mga matataas na opisyal ng White House para ituloy ang pagsasaayos ng trade-war.