LEGAZPI CITY- Patuloy pa ang pagdating sa Pilipinas ng mga foreign experts mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang tumulong sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Coast Guard Commandant Artemio Abu, pinakabagong dumating ang mga eksperto mula sa Oil Spill Response Limited ng Singapore na magiging kaagapay ng pwersa mula sa Japan Coastguard, Korean Coast Guard, US Coast Guard at French experts.
Aminado kasi ang opisyal na malaki na ang epekto ng pagtangas ng langis sa kalikasan at ekonomiya ng bansa.
Nabatid na ang mga kinatawan na pinadala ng France ay halos 40 taon nang tumutugon sa kaparehong mga sitwasyon.
Samantala, ipinagmamalaki naman ni Abu ang pagpuri ng mga foreign experts sa mga hakbang na ginagawa ng Philippine Coast Guard lalo pa at kinakailangan aniyang science based ang kanilang mga hakbang sa paglilinis sa naturang oil spill.