-- Advertisements --
Ikinagalit ng maraming scientist ang pagbebenta sa online ng mga fossil o mga buto-buto ng Tyrannosaurus rex.
Ipinost kasi ni fossil hunter Alan Detrcih ang kumpletong buto ng meat-eating dinosaur at ito ay nagkakahalaga ng $2.9 million.
Nakasaad pa rito na may haba ito ng 15 talampakan at 21 talampakan ang bungo na may ngipin pa.
Ayon naman sa mga eksperto dapat ito ay mapunta sa museum at hindi lang basta ibenta.
Itinuturing kasi na isang public interest ang nasabing mga fossils na daang libong mga taon na ang lumipas nang gumala sila sa ilang bahagi ng mundo.