-- Advertisements --

Pinangunahan ni DOST-PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol ang pagsasagawa ng aerial survey sa Mt. Kanlaon crater.

Katuwang niya si Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD) chief Ma. Antonia V. Bornas, para sa pagkalat ng kinakailangang data.

Pinangasiwaan naman ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpapalipat ng aircraft, kasama ang mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7 at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Nagsimula ang team sa Silay City, Negros Occidental at nilibot ang bulkan pati na ang mga kalapit na lugar na saklaw ng pagsabog.

Matapos ito, nakipagpulong ang mga namumuno sa DOST-PHIVOLCS sa mga lokal na opisyal ng Negros Occidental, pati na sa mga kinatawan ng  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).