Hindi nakakagamot sa coronavirus disease (COVID-19) ang hydroxychloroquine.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng ilang mga eksperto ng isagawa ang clinical trial.
Sa trial na isinagawa noong Hunyo ng mga researchers ng University of Pennsylvania na hindi epektibo ang hydroxychloroquine sa pagpigil ng infection sa mga tao na nahawa ng COVID-19.
Mayroon 125 na participants, kung saan apat sa kanila ang gumamit ng hydroxychloroquine bilang preventive treatment sa loob ng walong linggo na nakasalamuha nila ang mga COVID-19 positive.
Ang mga walo dito ay itinuring na asymptomatic o mayroong mild symptoms na hindi na kailangang dalhin pa sa pagamutan.
Magugunitang isinusulong ni US President Donald Trump ang nasabing anti-malarial drugs at noong Mayo ay sinabi nitong gumagamit siya para hindi dapuan ng nasabing virus.