-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Narekober ng pinagsanib na pwersa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army at 61st Division Reconnaissance Company ang mga mga bala ng high explosive,mga armas at drug paraphernalias sa Brgy Bentan Talitay Maguindanao.

Ang mga narekober ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, apat na M653 rifles, 2 M203 grenade launchers, 2 ka M14 rifles, isang M79 grenade launcher, isang garand rifle, 2 Thomson, isang Carbine rifle, isang homemade shotgun, isang KG9 Luger, isang 60mm mortar, isang Baofing handheld Radio, 15 large plastic drums na anti-personnel mine, 12 PVC anti-personnel mine ,apat na granada at mga bala.

Kinomperma ni 19th IB Commanding Officer Lt/Colonel Crizaldo Fernandez na ang mga armas,bala,eksplosibo at kagamitan sa droga ay iniwan ng mga armadong grupo nang matunugan nito ang paparating na pwersa ng militar.

Matatandaan na dalawang armadong grupo na pawang tagasuporta ng magkatunggaling kandidato ang nagkasagupa sa bayan ng Talitay.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar ang mga armadong kalalakihan na mga myembro umano ng Private Armed Groups (PAGS) sa bayan ng Talitay Maguindanao.