-- Advertisements --
Botswana
Botswana

Nasa mahigit 100 elepante ang patay sa Botswana dahil sa pinaniniwalaang anthrax outbreak.

Ayon sa Department of Wildlife and National Parks, na bukod sa anthrax ay namamatay ang nasabing mga hayop dahil sa labis na tagtuyot.

Karamihang naitala dito ay sa Chobe River front at Nantanga areas sa northern Botswana.

Ang anthrax ay bacteria na matatagpuan sa lupain na apektado ng domestic at wild animals.