Pinaigting ng iba’t-ibang embahada na nakabase sa Pilipinas ang kanilang monitoring ukol sa kalagayan ng kanilang mga kababayan dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa Mindanao, sa nakalipas na kalahating buwan.
Ayon sa Qatar Embassy, pinaiiwas muna nila ang kanilang mga mamamayan na bumyahe sa Mindanao dahil baka masundan pa ang mga naranasang pagyanig
Sa ulat naman ng UAE Embassy, Indonesia Embassy, France Embassy at US Embassy ay walang nadamay na kababayan nila sa tatlong major earthquake, ngunit nananawagang agad ipaalam kung mayroong nationals nila ang nangangailangan ng agarang tulong.
Samantala, ang embahada naman ng China ay nangako ng P22 million aid para sa mga biktima ng pagyanig sa Mindanao.
Idadaan umano ang ayuda sa gobyerno ng Pilipinas upang maibalik sa normal na kalagayan ang buhay ng mga napinsala ng naturang magkakasunod na kalamidad.
“The Chinese government expresses its deepest sympathy to those affected families and decided to donate 3 million RMB (approximately 22 million pesos) through the Embassy in the Philippines to aid the victims and support the disaster relief efforts by the Philippine government in Mindanao and help local residents return to normal life,” saad ng pahayag mula sa Chinese Embassy.