-- Advertisements --

Binigyang linaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) na lahat ng mga manggawa na hindi bakunado laban sa COVID-19 ay hindi kabilang sa ipinapatupad na “No Vax, No Ride” policy.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na itinuturing na essential ang serbisyo ng mga manggagawa kaya dapat hindi ito kuwestiyunin.

Kapag hindi aniya pinayagan ang mga manggagawa na sumakay ay maapektuhan ang ekonomiya dahil sa paghinto ng mga negosyo.

Dagdag pa ng kalihim na dapat ay ipakita lamang ng mga unvaccinated o partially vaccinated na manggagawa ang kanilang mga ID para sila ay payagang makasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Magugunitang ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang “No Vax, No Ride” policy kung saan nararapat na dalhin ng mga mananakay ang kanilang vaccination cards bago sumakay sa mga pampbulikong sasakyan.