-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binigyan ng ayuda ng gobyerno ng Pakistan ang mga empleyadong apektado ng No Work, No Pay policy dahil sa extended lockdown sa nasabing bansa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Father Reynel Tanalgo, ang daily wages o daily laborers ang unang nabigyan ng tulong.

Inihayag ni Tanalgo na namahagi rin ng relief goods at cash assistance ang gobyerno sa mga empleyado na nawalan ng trabaho.

Kagaya sa Pilipinas, inihayag ni Tanalgo na pinalwig rin ang lockdown sa Pakitan hanggang Abril 30 upang mabawasan ang dami ng naitalang kaso sa bawat araw.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 6,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan sa bawat araw, mahigit sa 100 ang dumadagdag sa listahan.