BACOLOD CITY – Muling nagtipon ang unyon ng mga empleyado ng Yanson Group of Bus Companies sa Mindanao at Visayas upang ipaabot ang suporta kay Leo Rey Yanson (LRY) na kinudeta ng kanyang apat na mga kapatid bilang presidente.
Ayon kay Father Jose Ares, founder at administrator ng Mindanao Alliance of Land Transport and General Workers Union (MALTU), lumuwas sila papuntang Negros Occidental upang ipakita ang suporta kay LRY at sa ina nito na si Olivia Villaflores Yanson (OVY) na inaaway ng apat na mga kapatid kabilang na ang inilagay na presidente na si Roy.
Frustrated ang MALTU ayon sa pari nang kanilang nalaman ang illegal takeover ng presidency sa bus company.
Sa ngayon ayon kay Ares, apektado na ang mga empleyado dahil nababahala ang mga ito na mawalan ng trabaho o di kaya’y hindi makatanggap ng sahod.
Habang hindi pa nadedesisyunan ang finality ng pag-upo ni Roy bilang presidente ayon kay Ares, si LRY pa rin ang kanilang kinikilala at sinusuportahang presidente.
Panindigan ng pari, para sa mga empleyado si LRY dahil maganda ang kanilang collective negotiation agreement at marami ang mga pasilidad na itinayo sa Mindanao.
Sa ngayon, naglipana ang mga tarpaulin sa kanilang opisina sa Mindanao na nagpapaabot ng pagmamahal kay LRY at OVY.