-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332, Liqour Ban, at paglabag sa Executive order ng lokal na pamahalaan ang mga empleyado ng CENRO na nahuli ang mga ito na Christmas party.

Sinasabing ginawa ang aktibidad sa Motorpool Maa, kung saan ilan sa kasamahan ng mga ito ang nakatakas.

Matapos makatanggap ng impormasyon, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga personahe ng Talomo PNP sa pangunguna ni PMaj. Sean Logronio, Station Commander.

Napag-alaman na nasa 14 na mga indibidwal ang nahuling nagparty-party habang mabilis na nakatakbo ang kanilang mga kasamahan matapos makita ang mga personahe nga kapulisan.

Maliban sa mga pagkain, narekober rin sa lugar ang mga iba’t-ibang klase ng alak.

Kung maalala, una ng sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na mahaharap sa kaso ang mga empleyado ng gobyerno na magsagawa ng parehong aktibidad at mahigpit rin na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga secret parties.