-- Advertisements --

Dapat umanong bigyan ng pagkilala ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang walang humpay na serbisyo sa kabila ng mga binabatong alegasyon sa kanila ng publiko.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maituturing din bilang makabagong bayani ang mga manggagawa ng gobyerno na hindi nagpapakita ng kahit anong bahid ng pagod kahit pa nasa gitna ng krisis ang Pilipinas.

Pinuri rin ni Briones ang mga government personnel na sinasalo ang mga umano’y pangungutya at walang respetong pakikitungo sa kanila ng ibang tao.

Sa ganitong pag-uugali raw kasi ng ibang Pilipino ay hindi maiwasang maramdaman ng ilang government employees na wala silang ginagawang tama para lamang masiyahan sa kanilang serbisyo ang publiko.