Maaaring maharap ang mga empleyado ng gobyerno sa ilang consequences dahil sa pakikipag-selfie sa mga wanted na indibidwal, ayon sa Civil Service Commission.
Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada na dapat sumunod ang mga empleyado ng gobyerno sa Republic Act 6713, na kilala rin bilang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”
Paalala pa ng opisyal na kapag nagta-trabaho hindi pangalan nito ang natatandaan kundi ang ahensya na kanilang kinakatawan.
Nang tanungin kung ano ang magiging parusa, sinabi ni Lizada na ang mga lalabag sa RA 6713 ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa 6 na buwang halaga ng kanilang suweldo, o suspindihin nang hindi hihigit sa isang taon.
Una rito, lumutang ang isyu matapos ang pag-aresto kay ex-Bamban mayor Alice Guo sa Indonesia nang magpakuha ng litrato kasama ang mga empleyado ng gobyernong ng PH na binatikos ng husto sa social media.