-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpatupad ng adjustments ang Iloilo City Government upang maiwasan na magkahawaan ng COVID-19.
Ito ay kasunod ng paglobo ng COVID-19 cases sa Iloilo City Hall sa 220.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay naitala mula ng isinagawa ang mass testing sa mga empleyado.
Naglagay na rin ng air purifier sa mga opisina at nararapat na pinabuksan ang lahat ng mga bintana.
Patuloy naman ang ginagawang disinfection sa mga opisina at binibigyan ng libreng vitamins ang mga empleyado.