-- Advertisements --
CITYHALLSS
Makati City FB

Makakatanggap sa araw ng Lunes ang mga empleyado ng Makati City city hall ng Service Recognition Incentive (SRI).

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na pinirmahan niya ang pondo na nagkakahalaga ng P82.8 milyon para sa nasabing bonus.

Sinabi pa ng alkalde na ang lahat ng mga regular, casual at contractual city hall employees ay makakatanggap ng SRI ng hindi hihigit sa mahigit P10,000.

Isa aniya itong paraan ng pasasalamat ng City government sa mga empleyado na patuloy na nagtatrabaho kahit may pandemya.

Labis naman na nagpasalamat ang mga empleyado ng Makati City Government sa bonus na inilaan sa kanila ng lungsod.