-- Advertisements --

Mahigpit ng ipinatupad ng alkalde ng Mulanay sa Quezon province na dapat nakangiti ang lahat ng empleyado nito sa gobyerno.

Sinabi Mayor Aristotle Aguirre na ang hindi susunod ay mapapatawan ng multa na katumbas ng anim na buwang sahod nila o masususpendi sa kanilang trabaho.

mulanays

Dagdag pa nito na nagbunsod ang nasabing kautusan matapos na iparating sa kaniya ng mga magsasaka, mangingisda at mga coconut farmers na nagsusungit ang mga empleyado ng kanilang gobyerno tuwing sila ay may transaction.

Inihalimbawa nito na galing pa sa malayong lugar ang iba at madidismaya lamang sila sa hindi magandang pakikitungo ng mga empleyado ng kanilang munisipyo.

Layon lamang aniya nito na maiparating ang magandang pagtingin at serbisyo sa mga mamamayan nila.