-- Advertisements --
duterte speech 1
President Duterte

Makakatanggap ng P60,000 bilang bonus ngayong pasko ang mga kawani ng Office of the President.

Ito mismo ang inahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagpapailaw ng Christmas tree sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Kinumpirma rin ito ni Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino ng Social Secretary’s Office.

Sa kaniyang talumpati pinasalamatan ng pangulo ang mga kawani ng Office of the President dahil sa kakaibang serbisyo nila.