Pinaalalahan ng Social Security System (SSS) ang kanilang miyembro na sumasailalim sa home quarantine matapos dapuan ng COVID-19 na mayroong nakalaan na programa ang ahensiya sa kanila.
Ayon sa SSS na sakop ang mga ito ng Sickness Benefit Program.
Maari lamang makatanggap ng nasabing benepisyo ang mga miyembro na sumailalim ng mahigit apat na araw na quarantine.
Bukod sa home quarantine ay pasok din sa nasabing kategorya ang mga hindi nakapasok sa kanilang trabaho matapos dapuan ng virus.
Maging ang mga overseas Filipino workers (OFW) ay maaring makakuha ng nasabing benepisyo.
Nararapat aniya na ipaalam ng mga empleyado sa kanilang employer na nais nilang maka-avail ng nasabing sickness benefits.
Ilan sa mga dokumento na hahanapin ay ang PCR test result o ang rapid antigen test na isinagawa ng Department of Health (DOH) accredited facility o mga test kits na aprubado ng Food and Drugs administration at ang certification mula sa barangay na natapos na ang quarantine.