Bukas ang mga employer sa iminungkahing pag-review ng minimum wage rate ng bansa na nagbabanggit ng mapanghikayat na mga dahilan.
Ngunit nagbabala ang mga ito laban sa paglikha ng “false expectations” sa bahagi ng mga ordinary workers.
Ito ang kanilang tugon sa pahayag ng Department of Labor and Employment na nanawagan para sa pagrepaso sa minimum wage.
Kinilala ni Sergio Ortiz-Luis, Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), na mayroong mabigat na dahilan upang suriin ang kasalukuyang pinakamababang rate.
Ang rate ng sahod ay nag-iiba bawat rehiyon.
Sa Metro Manila, ang daily minimum salary rate ay P537.
Ayon kay Luis, walang problema sa kanila na pag-usapan hangga’t dadaan ito sa proseso sa Wage Boards kung saan kinakatawan ang mga employer.
Kukunin nila ang lahat ng inputs at igagalang nila ang kinalabasan, ngunit kailangan umanong iwasan ang “false expectations”.
Paliwanag ni Luiz, by false expectation, mayroong 44 million employment market sa bansa ngunit 16 percent lang ang formal market at ang napakalaking 84 percent ay informal tulad ng mga magsasaka, tricycle at jeepney drivers at market vendors na hindi union o nakarehistro sa DOLE o sa self employed.
Sa 16 na porsyento, halos 10 porsyento lamang ang tumatanggap ng pang-araw-araw na minimum na sahod.
Ang mga malalaking kumpanya, na nagbabayad na sa kanilang mga empleyado ng higit sa arawang sahod, ay walang magagawa kundi itaas ang kanilang mga presyo at kalaunan ay tataas ang retail prices ng mga bilihin.
Sa pamamagitan ng pagtataas ng pang-araw-araw na minimum na sahod, sinabi ni Ortiz-Luis na lilikha ito ng mga distorsyon sa sahod dahil ang 16 porsiyento o 10 porsiyento lamang ang makikinabang ngunit ang 84 porsiyento ay higit na magdurusa.