-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang anumang iligal kung hindi tatanggap ang mga kumpanya ng mga aplikante nila na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na ang magiging iligal lamang ay ang pagsibak sa mga empleyado na hindi pa natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Dagdag pa nito na mayroong karapatan ang mga employers na tanggihan ang mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Maituturing aniya itong paraan ng mga employers na maprotektahan ang kanilang mga negosyo.

Nauna ng sinabi ng Department of Justice na iligal para sa mga employer na magtanggal ng mga empleyado na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 o hindi ibigay ang kanilang mga sahod.