-- Advertisements --
Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na mahaharap sila ng kaukulang parusa kapag ipatupad nila ang no COVID-19 vaccine , no work policy.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez na bawal ang anumang uri ng diskriminasyon sa mga empleyado.
Posibleng maharap sa suspensyon ng kanilang negosyo ang kakaharapin ng isang employer ng magpapatupad ng nasabing polisiya.
Hinikayat nito ang mga emplyedo na magsumbong sa kanilang opisina kung sakaling ang mga ito ay suspendihin o tanggalin sa trabaho dahil sa hindi pa naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.