Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ukol sa tamang pasahod sa Ninoy Aquino Day.
Ang naturang holiday at nakatakda tuwing ika-21 ng Agosto ngunit ngayong taon, inilipat ito ni PBBM sa Agosto-23, araw ng Biyernes salig sa holiday economic practice para mapalakas ang domestic tourism.
Sa ilalim ng DOLE Advisory No. 9-A,nakasaad dito na ang mga employees na magtatrabaho sa araw ng Biyernes ay makakatanggap ng dagdag na 30% na sahod.
Kung mag-overtime naman ang isang empleyado, siya ay makakatanggap pa ng karagdagang 30% sa kanilang hourly rate.
Kung nataon naman itong rest day ng empleyado ngunit pumasok at nagtrabaho pa rin, dagdag na 50% sa kanyang araw sahod ang kanyang matatanggap.
Dadagdagan pa ito ng 30% hourly rate kung siya ay nag-overtime.
Mananatili naman ang ‘no work no pay’ principle para sa mga hindi papasok sa naturang araw.