-- Advertisements --

Handang pakinggan ng grupo ng employee at employers ang plano ng PAG-IBIG Fund na taasan ang membership contribution.

Sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) chair Alan Tanjusay, kung sakaling ipatupad ang pagtaas ng membership contribution ay sana hindi gawin ito ngayong taon dahil nauna nang nagpatupad nang pagtaas ang Social Security System (SSS).

Hindi naman ikinaila ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz Luis na may mga epekto ito sa kanila subalit kanilang pag-aaralan ito sakaling ituloy na ng PAG-IBIG ang bagong patakaran.

Nauna rito sinabi ni PAG-IBIG Fund president and CEO Acmad Moti, plano nilang itaas ang kontribusyon mula sa dating P100 ay gagawing P150 o hanggang P200 dahil na rin sa dumaraming nangungutang na mga miyembro.

May magandang dulot aniya ito sa mga miyembro dahil bukod sa mataas na take home rate sa mga loans ay magiging mataas din ang retirement benefits na makukuha.