-- Advertisements --
Tiniyak ng mahigit 60 mga Filipino railway engineers at technicians na nagtatrabaho sa ibang bansa na babalik sa Pilipinas para tumulong sa paggawa ng riles.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade, pumirma na ang mga ito ng application form at agad na uuwi kapag magsisimula na ang nasabing proyektio.
Magugunitang nagkaroon na ng ground breaking ang Metro Manila subway noong Pebrero at inaasahang magsisimula ang drilling sa mga susunod na buwan.
May haba ito na 36 kilometers mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport.
Inaasahan na mabubuksan ang unang tatlong stations sa Valenzuela, Tandang Sora at North Avenue sa Quezon City bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.