Nabulgar sa isinagawang pagdinig sa Senado na hindi ininspeksiyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang equipment sa substations ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawa sa China.
Sa pagdinig sa Senado hinggil sa panukala may kinalaman sa e-governance at cybersecurity, idinulog ni Senator Raffy tulfo ang isyu kaugnay sa partial ownership na 40% ng State Grid Corporation ng China sa NGCP gayundin ang mga isyu sa mga makina na binili mula sa China.
Sinabi ni Sen. Tulfo na siyang tumatayong chairman ng Committee on Energy na nakatanggap siya ng impormasyon na maaaring tinamnan ng hardware ang computer virus na ibinenta sa bansa para sa ibang state.
Paliwanag pa ng mambabatas na kapag na-input ang naturang hardware sa target na bansa, maa-activate rin ang virus sa pamamagitan lamang ng pagpindot sa button.
Kayat hindi napigilang magpahayag ng pagkabahala ang Senador at inihayag na napakamapanganib na ang mga equipment sa NGCP ay halos lahat ay gawa sa China at nasa Chinese characters.
Sa panig naman ng DICT, Hindi naman isinasantabi ni DICT Undersecretary David Almirol Jr na posible ang naging pahayag ng mambabatas.
Ayon sa DICT official, hindi nila alam na mayroong listener na nakatanim sa equipment galing China. Bagamat hindi nahahack sa tuwing nagpapasok aniya ng data ay nasasagap din ng naturang equipment.
Aminado din ang opisyal na dapat na nagsasagawa muna ng masusing technical audit bago magdala ng equipment subalit inamin nito na hindi pa ito ginagawa sa ngayon.
Ipinaliwanag naman ni DICT Assistant Secretary for Legal Affairs Renato Paraiso na mayroon aniyang Medium-Term Information and Communications Technology Harmonization Initiative or MITHI protocol na ginagawa kung saan minamandato ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na magsumite ng mga nabiling teknolohiya at hardwares para sa inspeksiyon at auditing ng dating Information and Communications Technology Office.
Kayat hiniling ng DICT na maisama ang naturang prose DICT Assistant Secretary for Legal Affairs Renato Paraiso so sa e-government law.
Inirekomenda naman ni Senator Alan Peter Cayetano, chairman ng Committee on Science and Technology na magtulungan ang DICT at Anti-Red Tape Authority para sa pagsusulong ng seguridad ng bansa.