Kinailangan nang ipatigil ang operasyon ng mga merkado sa Taiwan dahil sa banta ng bagyong Gaemi na bagyong Carina sa Pilipinas.
Ipinatigil na rin ang pasok ng mga mangagawa at mga empleyado kasabay ng malalakas na mga pag-ulan at paghangin sa lugar.
Maalalang una na ring kinansela ng naturang bansa ang taunang Han Kuang war games upang bigyang-daan ang paghahanda sa inaasahang pagbayo ng naturang bagyo.
Sa Capital na Taipei at mga kalapit na mga syudad na New Teipei, Keelung, at Tauyuan, isinara na rin ang mga eskwelahan at financial market dahil sa banta ng naturang bagyo.
Kasabay nito ay naka-standby na ang mahigit 1,000 mga rubber boats para sa posibleng mga pagbaha sa malaking bahagi ng Taiwan dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng bagyo.
Naghanda na rin ang naturang estado ng mga ’emergency’ food, tubig, at mga communication equipment.
Ayon kay Taiwan Defense Ministry Spox Sun Li-fang, tiyak na mararamdaman ang impact o epekto ng naturang bagyo kayat naghanda na rin ng air at naval assets para sa anumang posibleng mangyari.
Inaasahang tutumbukin ng bagyong Gaemi ang Taiwan kasunod ng paglabas nito sa teritoryo ng Pilipinas.