TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang assesment ng mga opisyal ng bayan ng San Julian, Eastern Samar sa mga naitalang danyos mula sa nangyaring 6.5-magnitude na lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay San Julian mayor Dennis Estaron, kaagad nilang sinuspende ang klase pati na ang trabaho matapos ang pagyanig.
Batay sa inisyal na assessment, nai-report ang bitak sa mga eskwelahan tulad na lang ng Regina National High School at San Julian National High School.
Mayroon ding naitalang mga pagguho ng bell tower sa ilang mga simbahan sa nasabing bayan.
Ilang mga kalsada rin sa naturang lugar ang pansamantalang hindi madaanan dahil sa mga bitak.
Kinumpirma naman ni Estaron na bagsak ang suplay ng kuryente kanilang bayan.
Gayunman, nagpasalamat ang alkalde na walang naitalang casualties sa naturang lugar.