Inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Carlito Galvez na hindi for public consumption ang listahan ng mga eskwelahang umano’y aktibong nagre-recruit ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Sinabi ni Galvez, batid kasi nila na magkakaroon ng negatibong reaksiyon sa sandaling mailabas ang listahan.
Ngayong naisapubliko na ang listahan, nakatakdang makipag-dayalogo ang AFP at PNP sa mga eskwelahan na kabilang sa listahan nang sa gayon mapag-usapan ang mga dapat gawin.
Binigyang-diin din ni Galvez na ilan sa mga eskwelahan na kabilang sa listahan ay subject pa for continuing validation.
Nilinaw din ng AFP na hindi nila intensiyong ntensyong i-“brand†bilang mga komunista ang 18 kolehiyo at unibersidad sa kalakhang Maynila matapos mapabilang ang mga ito sa listahan.
Sa kabilang dako, ayon naman kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo na mag-ingat sa mga indibidwal na mistulang mabait na tupa pero isa palang “mabangis na lobo.”
Nagbabala ang AFP sa mga magulang na i-monitor ang kanilang mga anak dahil sa may mga miyembro ng NPA ang nakapag-infiltrate na sa mga paaralan.
Tiniyak din ng militar na gagawin nila ang lahat para maprotektahan ang sambayan laban sa mga kalaban ng pamahalaan.