-- Advertisements --

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na dapat ikonsidera ng mga malls at restaurants sa National Capital Regions na tanggapin lamang ang mga fully vaccinated na individuals.

Sa ganitong paraan aniya ay makakagawa na sila ng mas ligtas ng bubbles at malabanan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Paglilinaw nito na maisasagawa lamang ito sa isang lugar na mayroong sapat na bilang ng mga fully vaccinated na mga residente.

Inihalimbawa nito ang Jakarta, Indonesia kung saan nagbukas sila ng 25 percent capacity pero ang mga fully vaccinated lamang na mga indibidwal ang pinayagang makapasok.

Sa ganitong paraan din ay mabibigyan aniya ng proteksyon ang mga hindi pa nabakunahan na mga indibidwal.