-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hinahayaan nila ang pagdami ng establishimento na tumatanggap lamang ng mga customer na Chinese.
Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Benjo Benavidez na kanilang titignan sa mga dumaraming negosyo kung hindi nabibigyan ng prioridad ang mga manggagawang Pinoy.
Nilinaw nito na trabaho ng Department of Trade and Industry (DTI) at local government unit na tiyaking hindi nalalabag ang karapatan ng mga consumers.
Isa sa titignan ng DOLE ay kung ang mga dayuhang manggagawa sa mga establishimento ay mayroong sapat na dokumento gaya ng alien employment permit (AEP).