-- Advertisements --
Wala umanong nakitang paglabag sa health protocols ang karamihang establisyemento sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mahigpit na sinusunod ng mga establisyemento ang health protocols para hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Nasa 94.7% aniya ng mga negosyante sa NCR ang sumusunod.
Sa kabuuan na 1,077 ang na-inspect ng DTI ay 931 ang sumunod sa minimum health protocols habang ang 89 ay sumusunod lamang sa pamamagitan ng Request for Corrective Action (RCA).
Ang mga paglabag na nakita naman nila ay ang kawalan ng mandatory contact tracing o health declaration forms, thermal scanner at ang hindi tamang pagsusuot ng mga face mask at face shields ng mga empleyado.