-- Advertisements --

Sa Quezon City pa rin, hiniling ng Quezon City government sa mga negosyante na mahigpit nilang ipatupad ang paggamit ng contact tracing app bago papasukin ang kanilang mga kliyente.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na dapat gumamit ng Kyusi Pass ang mga customer kapag pumapasok sila sa mga establishimento.

Ang Kyusi Pass kasi ay siyang opisyal na mobile contact tracing application ginagamit ng Quezon City government.

Magagamit matapos na tanungin ng mga contact tracers ang pinagmulan ng isang COVID-19 positive.

Nagamit na ito ng kanilang City Epidemiology and Surveillance Unit kung saan nakilala nila ang nasa 22,315 na indibidwal na na-expose sa 119 positive coronavirus cases.

Lahat aniya ng 80,000 na business establishment ay dapat gumamit ng KyusiPass QR code.